About Me

Jeriko
Parañaque City, NCR, Philippines
BS HRM Student in UST, Friendkeeper, Problem Adviser, Music Ethusiast, Kapamilya All the Way, Frustrated Musician, Aspiring Pastry Chef
View my complete profile

Followers

Friday, June 24, 2011
There's so much in store that day! We prepared stuffs for the Thomasian Welcome Walk of the Freshies, sobrang dami ng mga props namin! Pinagkagastusan talaga! We kept it a secret for so long, pero sad to say, na-postpone ang activity dahil sa lakas ng ulan. They said, rain or shine tuloy ang activity, pero sabi ko nga, ang expected lang nila ay light rain, pero good luck naman sa agaw buhay kong experience dahil sa Falcon! :))

3PM pa lang ay alam na namin na wala na kaming ieexpect sa hapon. So we packed up, and did our best to remedy all that we can save up 'til the rescheduled TWW. May pakain uli nung hapon, kaya lamyerda na naman sa harap ng SC Office. Then siyempre, hindi maiiawasan ang mga losses, so dumating si Manong Sorbetes at 'yan walang humpay na ice cream sa malamig na panahon. Kailangan yun maubos kaya we stayed longer sa building, calling all passersby, lalo na mga Eng'g at Music to help us finish the ice cream. Kaya nang pauwi na ang lahat, 'eto na, the most traumatic and frustrating experience of my life occurred:

6PM - we finally went out of UST, baha na sa may loob actually, sa may España rin baha na sa may Lacson intersection. I waited for a while to get a ride to Lawton. It was a smooth travel hanggang Quezon Bridge (near Quiapo Church), then ang makaubos oras na traffic. I waited for more than hour on that place. So I have decided to just walk, not to take an FX home, at mag-LRT na lang.

7:30PM I reached LRT Central, medyo maluwag naman, himala! Kaya smooth travel hanggang Baclaran. Hindi na ako nag-EDSA dahil wala akong maasahan dun!

Past 8PM - I reached LRT Baclaran, rode a sidecar hanggang sa lugar na may masasakyang jeep.

Past 8PM - Quarter 10: I waited for a jeep that would ride me until Sucat, pero ang saklap! Wala! Puro Zapote at Alabang! Kung meron man, puno agad! Grabe, dito na ang pinakamasakit sa likod na experience, andami ko kasing dala! Sa dami nang tao, yung tipong hindi pa tapos ang Jeep - LRT Bound, sumasakay na yung tao, takbuhan, siksikan, tulakan, angkas kung angkas ang drama everywhere!

Mga bago mag 10- I've decided to call my dad to ask if he could pick me up sa may Tambo. But to no avail, at traffic plus baha din sa lugar namin, so he couldn't. I got pissed, truth to tell, alam mo yung walang wala na akong magawa, ang hirap sumakay, grabe lang naman! Kaya I went to McDo to have my late dinner. Pagod na talaga ako eh! Buti na lang, naalala ko may tinago akong burger galing Jollibee, yung pakain sa SC. Kaya ginawa ko, tinaggal ko sa loob ng bag yung balot at nilabas ko lang yung sandwich mismo! Haha! kahiya eh! :)) After eating, I went out, asked around kung ano pang pwedeng sakyan. Sinubukan kong kontratahin yung sidecar to bring me sa may intersection nang Tambo at MIA Road para kahit paano dun na lang ako maghihintay ng jeep. Pero ayaw ni kuya.

10PM - Past 11: I've waited again for jeeps kung sakali. This time, hindi na yun papuntang Sucat, MIA/Domestic Airport na lang. For that long, naghintay ako nang masasakyan! At buti na lang, meron na sa wakas!

Past 11 - Quarter past 12MN: Travel from LRT Baclaran to 6-11, it was long and grueling, traffic sa may bandang coastal, congested talaga kaya nakakainis! I'm frustratingly tempted to walk my way home or just ride a taxi!

Quarter Past 12MN - I reached 6-11 and walked my sa may village namin. From 6-11 to Multi! Palagay nating, katumbas nang paglakad nang dalawang ikot Lacson - España gate ng UST.

Quarter to 1AM - I reached our village and I have to fall in line pa para makasakay ng tricycle at makauwi. Eto na ang pinakafrustrating at nakakatuwang leg ng travel ko. Ironic siya, pero yan talaga ang nangyari. So I lined up sa special trip. Sobrang tagal! sarap sumigaw, super negative na nang mindset ko dahil atat na atat na talaga ako umuwi! Then, knowing na traffic pa both lanes sa village dahil sa C5 NI VILLAR! alam mo yung tipong ayaw magbigayan ng daan at away kung away ang drama talaga! Then my father called, asking about my whereabouts and told him not to worry anymore and just go to sleep, that I'm completely fine. After that call, boom! I dropped my phone on the flood! It was cool, actually, kasi umiilaw pa sa baha yung tubig, haha! nahirapan akong kunin dahil hindi kasya kamay ko sa fence! Ang fail talaga, yung nasa likod ko pa, kung makasigaw ng, "Sh*^, pu&^ sayang!" Ikaw na! :)) Pagkakuha ko, pinunasan ko na agad, binaklas ko para madaling pumasok ang air. The funny part nang paghihintay ko ay yung mga barker sa lugar namin, ang kukulit, kala mo walang nangyayari! :)) Mababait at ang alaga sa mga pasahero. Ginagawa nila, hinaharang nila yung FX or Jeep na pauwi na just to at least drop some passengers off sa isang common destination na at least malapit sa lugar nilang tinitirahan. Kasi yung mga tricycle, hindi makalusot sa traffic, at tinamad na talaga yung iba sumabak sa C5 kaya dun lang sila sa isang lugar na malayo-layo kung lalakarin pa nang tao. I thought of walking my way din to ride, pero nakakatamad na talaga!

Quarter to 2AM - it's my turn to ride the tricycle para makauwi! Sarap nang feeling nang nakaupo! At higit sa lahat makauwi! Priceless feeling! Sa pagod ko, ang una kong ginawa ay kumain! buti ndi pa ni-ref nila kuya yung food! Pork Stew! Really relieved!

Then I thought, masaya naman siguro kung nagpastranded na lang ako sa UST-TYK! Kaysa umuwi nang frustrated, pagod, inis, at malagkit! Experience din yun, kung sakali, with great people na rin yun! Pero, narealize ko rin sa biyahe ko pauwi kung gaano kasaklap ang sewage system ng Pilipinas, nang masalubong ko nga yung flood control group na naglilinis nang creek dun sa may Sucat Road, talagang inirapan ko eh!

Bottomline, I went home safe! I hope everybody gets a good rest! Relax and take advantage of the cold bedweather! Sleep to sawa!

Friends! This is my Thomasian Pursuit! What's yours?! :)